Lunes, Pebrero 21, 2022
Mababait lahat ng aking tyuhin, hindi perpekto pero may kanya kanyang problema. Sadyang si Tito Rio lang naman ang pasaway sa kanila. Pero hindi na para pagsabihan kase nasa tamang edad na. Bata palang ako ganon na ang gawain nya, pero maayos naman ang trabaho nito. Hindi nya pinababayaan ang pamilya nya. Kung tutuusin sya ang may malaking kinikita sa kanilang magkakapatid kahit may bisyo ito. Malakas ang negosyo nyang pagtitinda ng isda. Moreno si Tito Rio. Siya ang pinakagwapo daw nung kabataan nila. Matangkad at matinik sa babae ayon sa kwento ng mga tyuhin ko.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento